word 0f thE day – Agimat

Agimat- anting-anting or bertud

Maraming klase nito, depende saan mo gagamitin, may pangsuperstrength na para kang si superman, may pwedeng gamitin para magbago ng anyo, maging invisible at kung anu-ano pa. May iba ibang sukat at hugis pati disenyo. At kung saan ito makukuha ay kung saan saan din. Kagaya ng puso ng saging, pusang itim, matandang ermitanyo sa loob ng kweba at sa Quiapo. Dun sa tabi ng mga nagbebenta ng pito-pito. Wag mo lang kakalimutan yung mga orasyon at mga do’s and dont’s ng mga agimat na ito, nakasulat naman yan sa manual ng pinagbilhan mo. Kung pinamana naman sa iyo dapat kabisaduhin at tandaan mo yung binulong sa tenga mo na parang Latin na may pagkakapampangan. Ang may pinakamarami na sigurong koleksyon nito eh si Ramon Revilla Sr. Halos maniwala talaga ako nun sa mga palabas nya kaya pag hating gabi sa bayan namin sa Dinalupihan Bataan eh lumabas ako para saluhin yung tutulo na kung ano man dun sa puso ng saging sa likod bahay namin. Alanghiya nagkandangawit na panga ko kakahintay eh wala pa ding tumutulo, ang ginawa ko kumuha ako ng upuan at sinupsop ko yung dulo ng puso ng saging. Ampait pala nun. Napuyat na ako, wala pa ako nakuhang super strength. tsk sayang.  Sa susunod na pag-uwi ko kukuha na ako ng higaan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: