mayo uno

May 1st, Labor Day. Isa sa mga holiday na hindi mausog usog ni GMA, kasama na dito ang pasko at bagong taon at pati na birthday ko. Ewan ko ba kung bakit kailangan pang ilipat ang mga okasyon, narong paagahin o kaya iusog paatras ng damuhong hindi maintindihan. Pero teka muna ano nga ba para sa akin ang Labors day, una syempre bakasyon, pangalawa syempre bakasyon, pangatlo uhmmm pahinga walang trabaho. Hmmm… ano pa ba? ahhhh welga ang walang katapusang welga ng mga Pinoy tuwing Labors Day. Protesta dito, batikos dun. Ang dami nila animoy mga langgam na nagmamartsa sa initan, nakabilad ang katawan, naghihintay nakikinig sa tagapagsalitang may hawak na megaphone. Hindi alintana ang mga pulis na nakabantay, may hawak hawak na pamalo, may abang pang bumbero animoy may sunog. Pero hindi lahat alam ang kanilang pakay sa pook na yun (mendiola, makati, edsa shrine… etc), ang alam lang nila may libreng pagkain at kung sweswertehin eh may take home pang pera. Ah ewan ko sa kanila, kung prinsipyo ba talaga o kung ano pa man kayo na bahala humusga. Basta ako bakasyon ko eto for one day.Walang pakialamanan. Nga pala fiesta din pala sa amin pag Mayo Uno. Happy Labors Day to all and Happy Fiesta.

Mayo Uno by Jake Macasaet

Ang araw na ito, Mayo Uno, ay kaarawang nakalaan para sa mga manggagawa. Marami na naman ang ipangangako ni Pangulong Arroyo para sa kanilang kapakanan. Tulad ng dati, wala ring matutupad. Patuloy ang ating paghihirap. Patuloy na mag-rereklamo ang mga manggagawa, lalo na iyong maka-kaliwa, laban sa kahirapan na dala ng rehimeng Arroyo. Patuloy din namang gagamitin ng dahas ang pulis at militar para sugpuin ang sa palagay nila ay banta sa Pangulo. Lagi na lang tayong ganyan. Pero mas grabe sa panahon ni GMA. Parang hindi alam ni Pangulong Arroyo na napakarami sa 35 milyong Pilipino na nasa edad para magtrabaho ngunit hindi mabigyan ng trabaho. Palagay ko ayaw niyang mapag-usapan ito dahil hindi niya natupad ang pangakong anim na milyong dagdag na trabaho ay ibibigay niya sa loob ng kanyang termino. Kabaligtaran ang nangyayari. Dumarami ang walang trabaho. Kaya 65 porsyento ng tao ang naghahangad na bumaba na siya sa Malacanang. Nabingi yata ang Pan gulo. Parang walang narinig. Maraming paraan para lumikha ng trabaho. Kaya itong gawain ni Pangulong Arroyo. Pero dapat may responsibilidad din ang mga manggagawa. Alam natin na ilan sa malalaking pabrika tulad ng Standard Electric at Novelty Philippines na halos sampung labor ang empleado ang nagsara at lumipat sa Tsina. Bakit? Dahil winawasak ang kanilang operasyon at nalulugi ng malaki dahil sa welga. Ang mali sa ating batas ay sobra ang proteksyon sa mga tao na may trabaho na. Wala namang ginagawa para doon sa walang trabaho.
Iyan ang isang malaking dahilan kung bakit malimit magkaroon ng welga.
Karapatan ng manggagawa ang mag-aklas o mag welga. Pero dapat ito ay may legal at moral na dahilan. Kung mayroon ng collective bargaining agreement, hindi na dapat magkaroon ng welga. Pero malimit mangyari nilalabag daw ng management and CBA. Marami diyan hindi totoo. Halimba, nag-bigay ng return to work order ang Department of Labor habang pinag-uusapan ang kaso. Ang hindi bumalik sa trabaho ay puwedeng tanggalin. Ang problema tinatakot ng union ang mga taong gustong bumalik sa trabaho sang-ayon sa return to work order.Ang isa sa pinakamalaking dahilan ng mabilis na pag-unlad ng Komunistang Tsina ay ang pagbabawal sa welga. Sa Tsina, maliit ang sahod ngunit halos lahat ng gustong magtrabaho ay may trabaho. Kung maliit ang cost of living ng isang bayan, maliit din ang sayod ng mga empleado. Kita natin lahat ang epekto ng disiplina ng manggagawa. Mura ang lahat ng bagay na yari sa Tsina. Pati Amerika, natatakot makipag kompetensya sa America. Ganyan din ang ginawa ng Hapon matapos matalo sa World War II. Ang South Korea ay nagkaroon din ng disiplina at umunlad dahil sa takot na kainin sila ng North Korea.Ngayong maunlad na ang Japan at Korea, malaki na ang sweldo ng mga empleado nila. Katunayan, kulang sila ng tao para magtrabaho.Ganyan din ang mangyayari sa Tsina. Darating ang araw na kulang din sila sa manggagawa. Pagdating ng panahon na iyon, magtataas na sila ng sweldo.Sana ganito ang mangyari sa Pilipinas. Pero hindi. Magulo na ang mga trabahador at malimit magwelga kahit mataas na ang sahod kumpara sa Tsina. Iyan ay may dalawang resulta. Una, ang mga banyagang negosyante ay umiiwas na magnegosyo sa Pilipinas.Ikawala, sa bilis ng pagdami ng tao – 2 million babies bawat taon – lalong darami ang walang hanap. Sa bagay na ito, maaari nating sabihin na tayo na rin ang humanap ng ating kahirapan at gutom.

a blog about KMU

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: