sUgarOl

ANG UMAAYAW AY HINDI NAGWAWAGI,
ANG NAGWAWAGI AY HINDI UMAAYAW.

Ang mga Filipino na yata sa buong mundo ang pinakasugarol sa mundo. Based on my experience and sa nakikita ko sa ating kapaligiran. Hindi sa sinisiraan ko ang ating bansa pero yun lang talaga ang napapansin ko. Madami akong kakilalang walang perang maibigay pambili ng pagkain ng kanyang pamilya pero pag dating sa sugal ay may nailalabas. Meron namang kahit ano isasanla basta makapagsugal lang. Kahit nga ako eh paminsan minsan ay hindi mapigilang sumugal. Madali ang pera sa sugal kaya nga sugal eh, madaling kitain madali ring mawala. Pero bakit nga ba lulong ang mga Pinoy dito? Una na siguro yung pamatay sa oras, pangalawa eh madali ngang kumita ng pera at pangatlo eh masarap ang bawal.
Isa sa pinakasikat na sugal ay ang Jueteng na hanggang ngayon ay hindi pa rin masolusyunan ng ating gobyerno, kaya sila mismo ay nagpataya sa pamamagitan ng ez2, ang Jueteng ay nagsimula sa China and it means “flower” (jue) and “bet” (teng). It involves the combination of 37 numbers of 37 numbers. In some areas, the operators use 38 numbers. For 37 of 37 numbers, there are, 1,369 combinations; while for 38 of 38 numbers, there are, 1,444 combinations. Samantalang sa ez2 naman ay 31 numbers naman. Pumapangalawa naman ang larong Tong-its na nilalaro ng 3 katao. At alam nyo ba na hanggang sa internet ay pumasok na rin ito na inimbento ng mga pinoy. Isearch nyo at makikita nyong hindi ako nagloloko. Pangatlo ay ang sabong, 2 tandang na manok, isa lang mananalo sinong hindi tataya 50/50 pero syempre yung tama mo eh maliit lang din at depende sa taya mo. Pangapat ay ang luma ngunit sikat na sikat pa ring Sakla, karaniwang makikita kapag may patay, ginagamitan naman ito ng tarot cards at kung paano laruin ay hindi ko alam basta ang alam ko lang ay may bangka at may mga manananaya. Panglima ay ang Ending, eto yung tatayaan mo yung last digit ng last score ng magkatunggali sa PBA. Kunwari Ginebra at San Miguel, pagtapos ng laban eh nanalo Gin Kings syempre at ang score ay 105-92, ang tumama eh 5-2. Panganim eh ang karera ng kabayo, isa sa mga sugal na kinagigiliwan ng mga kalalakihan. Pangpito eh cara y cruz, 3 betsingkong hinahagis at pag nakaparepareho eh panalo ang naghahagis. Pangwalo eh mahjong na bagamat pangmayaman at tinalo ng tongits eh hindi pa rin nalalaos. Pang syam ay Pusoy at ang pang sampu ay ang Lucky 9.
Madami pang sugal dito sa Pinas nga lang kung lahat eh isusulat ko malamang eh bukas pa ako matapos sa pagtatype kaya hanggang dito na lamang muna ang mga nilista ko.

ANG UMAAYAW AY HINDI NAGWAWAGI, ANG NAGWAWAGI AY HINDI UMAAYAW.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: