Jose P. Rizal – national hero

“I die without seeing the sun rise on my country. You who are to see the dawn, welcome it, and do not forget those who fell during the night.”
excerpt from Noli me Tangere

Kahit sino pang Filipino, puro man o may halo (half-half), dito sa maynila o maging sa probinsya man, matanda man o bata, d2 sa pinas o sa ibang bansa ay kilala ang ating pambansang bayani. Sino nga ba si Rizal? Sya lang ba yung taong nakalagay sa piso? o may iba pa syang pagkatao. Know more about the person.

José Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda, ay pinanganak sa Calamba, Laguna nina Francisco Mercado Rizal and Teodora Alonso. Sya ay pang pito sa 11 magkakapatid (2 boys and 9 girls). Ang kanyang unang guro ay ang kanyang ina na tinuruan sya sa kanilang bahay sa edad na 9. Sya ay nag-aral sa Ateneo Municipal de Manila and finished Bachelor of Arts with highest honours on March 23, 1876. SaUniversity of Santo Tomas naman nag-aral ng medisina. He then went to Europe and finished medicine and philosophy at the Central University of Madrid in 1885. He took up graduate studies in France. Rizal became a linguist and learnt Greek and Latin. During his time in Europe, He wrote Noli Me Tangere (Touch Me Not) and El Filibusterismo (The Rebel), which told of the oppression by Spanish colonial rule.

Rizal returned to the Philippines in June 1892. He founded La Liga Filipina, a forum for Filipinos to express their for hopes for freedom from Spanish rule. His writings and La Liga Filipina were banned. Rizal was arrested as a revolutionary and imprisoned in Fort Santiago on July 6, 1892. On July 14, he was exiled to Dapitan. He stayed there for four years, treating the sick, opened up a school and tried to make the place beautiful and safe. In order to escape his exile, Rizal volunteered to serve as a doctor for the Spanish forces with the breakout of the Cuban revolution for independence.

Rizal was arrested while in transit to Cuba and sent back to the Philippines. Again, he was jailed in Fort Santiago and on December 26, 1896, the Spanish authorities tried him and found Rizal guilty of inciting rebellion and sedition. Rizal was executed by a firing squad on December 30, at Bagumbayan (now Luneta). On the eve of his execution, Rizal wrote his most famous poem, Mi Ultimo Adios (My Last Farewell) Sinulat niya ito sa Fort Santiago, isinilid sa kusinilyang dealkohol, at ibinigay sa kapatid na si Trinidad nang huling dumalaw sa kaniya bago siya barilin.

Ang tulang kilala ngayon sa pamagat na “Ultimo Adios” o “Huling Paalam” ang likhang-guro o obra maestra ni Rizal. Ang orihinal sa kastila ay isinalin na sa mga pangunahing wika sa daigdig, tulad ng Ingles, Prances, Aleman, Italyano, Nippongo, Malyo, at marami pang iba, gayon din sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas, tulad ng Tagalog , Ilokano, kapampangan, Pangasinan, Bikol, Sugbuhanion, Hiligaynon, at iba pa.

Maraming nagsalin ng tula sa Tagalog, nguni’t ang pinakakaraniwang bigkasin at siyang matatagpuan sa Luneta ay ang salin ni Jose Gatmaytan na matutunghayan dito. Ang kahuli-hulihang tulang ito ni Rizal ay tigib ng kalungkutan pagka’t maiiwan na niya ang kaniyang mga minamahal sa buhay at mawawalay na siya sa kaniyang bayan. Sa harap ng kamatayan, wala siyang hiniling para sa sarili; ang lahat ay para sa kapakanan ng kaniyang mga kababayan at ng kaniyang bayan.

Paalam na, sintang lupang tinubuan,
Bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.

Inihahandog ko ng ganap na tuwa
Sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
Naging dakila ma’y iaalay rin nga
Kung dahil sa iyong ikatitimawa.

Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban
Handog din sa iyo ang kanilang buhay,
Hirap ay di pansin at di gunamgunam
Ang pagkaparool o pagtagumpay.

Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
O pakikibakang lubhang mapanganib,
Pawang titiisin kung ito ang nais
Ng baya’t tahanang pinakaiibig.

Ako’y mamamatay ngayong minamalas
Ang kulay ng langit na nanganganinag
Ibinababalang araw ay sisikat
Sa kabila niyang mapanglaw na ulap.

Kung dugo ang iyong kinakailangan
Sa ikadidilag ng iyong pagsilang,
Dugo ko’y ibubo’t sa isa man lamang
Nang gumigiti mong sinag ay kuminang.

Ang mga nasa ko, mulang magkaisip,
Magpahanggang ngayon maganap ang bait,
Ang ikaw’y makitnag hiyas na marikit
Ng dagat Silangan na nakaliligid.

Noo mo’y maningning at sa mga mata
Mapait na luha bakas ma’y wala na,
Wala ka ng poot, wala ng balisa,
Walang kadungua’t munti mang pangamba,

Sa sandaling buhay maalab kong nais
Ang kagalingan mo’t ang paiwang sulit
Ng kaluluwa king gayak ng aalis:
Ginhawa’y kamtan mo! Anong pagkarikit!

Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang,
Mamatay at upang mabigyan kang buihay,
Malibing sa lupang puspos ng karika’t
Sa silong ng iyong langit ay mahimlay.

Kung sa ibang araw ikaw’y may mapansin
Nipot na bulaklak sa aba kong libing,
Sa gitna ng mga damong masisinsin,
Hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin.

Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis,
Mataos na taghoy ng may sintang sibsib,
Bayang tumaggap noo ko ng init,
Na natatabunan ng lupang malamig.

Bayan mong ako’y malasin ng buwan
Sa liwang niyang hilano’t malamlam;
Bayan ihatid sa aking liwayway
Ang banaang niyang dagling napaparam.

Bayaang humalik ang simoy ng hangin;
Bayaang sa huning masaya’y awitin
Ng darapong ibon sa kurus ng libing
Ang buhay payapang ikinaaaliw.

Bayaang ang araw na lubhang maningas
Pawiin ang ulan, gawing pawang ulap,
Maging panganuring sa langit umakyat,
At ang aking daing ay mapakilangkap.

Bayaang ang aking maagang pagpanw,
Itangis ng isnag lubos na nagmamahal;
Kung may umalala sa akin ng dasal,
Ako’y iyo sanang idalangin naman.

Idalangin mo rin ang di nagkapalad,
Na nangamatay na’t yaong nanganhirap
sa daming pasakit, at ang lumalangap
naming mga ina luhang masaklap.

Idalangin sampo ng bawa’t ulila
at nangapipiit na tigib ng dusa;
idalangin mo ring ikaw’y matubos na
sa pagkaaping laong binata.

Kung nababalot na ang mga libingan
Ng sapot na itim ng gabing mapanglaw,
at wala ng tanod kundi pawing patay,
huwang gambalain ang katahimikan.

Pagpitagan mo ang hiwagang lihim,
at mapapakinggan ang tinig marahil,
ng isang saltero: Ito nga’y ako ring
inaawitanka ng aking paggiliw.

Kung ang libingan kong limot na ang madla
ay wala nang kurus at bato mang tanda
sa nangangabubukid ay ipaubayang
bungkali’t isabog ang natipong lupa.

Ang mga abo ko’y bago pailanglang
mauwi sa wala na pinaggalingan,
ay makalt munag parang kapupunanng
iyong alabok sa lupang tuntungan.

Sa gayo’y walaa ng anoman sa akin,
na limutin mo ma’t aking lilibutin
ang himpapawid mo kaparanga’t hangin
at ako sa iyo’y magiging taginting.

Bango, tinig, higing, awit na masaya
liwanag aat kulay na lugod ng mata’t
uulit-ulitin sa tuwi-tuwina.

Ako’y yayao na sa bayang payapa,
na walang alipi’t punoing mapang-aba,
doo’y di nanatay ang paniniwala
at ang naghahari Diyos na dakila.

Paalam anak, magulang, kapatid,
bahagi ng puso’t unang nakaniig,
ipagpasalamat ang aking pag-alis
sa buhay na itong lagi ng ligalig.

Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
taga ibang lupang aking katuwaan,
paaalam sa inyo, mga minamahal;
mamatay ay ganap na katahimikan.

eto naman ang english version

TRIVIA KAY RIZAL

Did you know that three of the animal species we know today were actually named after Rizal? When he was an exile in Dapitan, he collected different kinds of species of animals. Among them were the Draco Rizali (Wandolleck), a specie of flying dragon, Rachophorous Rizali (Boetger), a hitherto unknown specie of toad and Apogonia Rizali (Heller), a small beetle, which were later named after him

Did you know that the famous Rizal monument in Luneta was not the work of a Filipino but a Swiss sculptor named Richard Kissling?


website nya – http://www.joserizal.ph

diary nya – http://rizaldiaries.livejournal.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: