Mexicutioner…

Panalo na naman si Pacquiao, at ang tinalo si pretty boy Oscar “Golden Boy” dela Hoya. Balato na naman dito balato na naman doon, sugal dito sugal doon. Dumami na naman ang tagahanga, kamag anak at ang mga panalo ng limpak limpak na salapi. Mawawala ba si Chavit na laging nakasabit at nakapusta sa manok nyang si Pakyaw.  Konti na naman ang krimen na ngyari ngayong araw na ito. At bago pa man nagsimula ang laban sa syete eh inannounce na ng dos na panalo si pacman. At siguradong mukha ni pacman ang nasa frontpage sa mga dyaryo kinabukasan.

Leave a Reply